tribu


trí·bu

png |Ant |[ Esp ]
1:
pangkat ng mga tao, pamilya, o angkan na nagmula sa isang ninunò at bumubuo ng isang komunidad, gaya sa labindalawang paghahati ng sinaunang Israelita : TRIBE
2:
anumang primitibo o palaboy-laboy na pangkat ng mga tao na karaniwang may iisang mga ninunò : TRIBE
3:
Alp anumang pangkat ng mga tao na may isang interes : TRIBE

tri·bu·las·yón

png |[ Esp tribulacion ]
:
mabigat na karamdaman o pagdurusa : TRIBULATION

tribulation (tri·byu·léy·syon)

png |[ Ing ]

tri·bú·na

png |[ Esp ]

tri·bu·nál

png |Pol |[ Esp ]
1:
Kas noong panahon ng Español, lupon ng mga pinunò sa isang munisipyo
2:
ang pook na pinagpupulungan ng naturang lupon.

tribunal de consulado (tri·bu·nál de kon·su·lá·do)

png |Kas Pol |[ Esp ]
:
noong panahon ng Español, tribunal na binubuo ng mga mangangalakal na nagpapasiya ukol sa mga bagay sa pangangalakal, obligasyon, at kontrata.

tribunal supremo de España y Indias (tri·bu·nál su·pré·mo de es·pán·ya i ín·dyas)

png |Kas Pol |[ Esp ]
:
noong panahon ng Español, kataas-taasang hukuman sa España at mga kolonya.

tribune (trí·byun)

png |[ Ing ]
1:
kilaláng pinunò
2:
Pol sa sinaunang Roma, pinunò na pinilì ng taumbayan upang magtanggol ng kanilang interes
3:
luklúkan ng obispo sa loob ng basilika
4:
nakaangat na pook na may upuan.

tributary (tri·byu·tá·ri)

png |[ Ing ]
1:
ilog na dumadaloy sa higit na malakíng ilog o lawa
2:
tao o bayan na may tungkuling magbayad ng tributo.

tribute (trí·byut)

png |[ Ing ]
1:
salita o kilos ng nagpapahayag ng paggálang o pagmamahal

tri·bú·to

png |Pol |[ Esp ]
:
noong panahon ng Español, buwis na sinisingil sa mga katutubò : TRIBUTE2