tribuna
tri·bu·nál
png |Pol |[ Esp ]
1:
Kas noong panahon ng Español, lupon ng mga pinunò sa isang munisipyo
2:
ang pook na pinagpupulungan ng naturang lupon.
tribunal de consulado (tri·bu·nál de kon·su·lá·do)
png |Kas Pol |[ Esp ]
:
noong panahon ng Español, tribunal na binubuo ng mga mangangalakal na nagpapasiya ukol sa mga bagay sa pangangalakal, obligasyon, at kontrata.
tribunal supremo de España y Indias (tri·bu·nál su·pré·mo de es·pán·ya i ín·dyas)
png |Kas Pol |[ Esp ]
:
noong panahon ng Español, kataas-taasang hukuman sa España at mga kolonya.