tuho


tu·hô

png |[ ST ]
:
pagtusok ng karayom.

tu·hód

pnd |ti·nu·hód, tu·hu·rín
:
gamitan o gamitin ang túhod sa pananakit sa kapuwa.

tú·hod

png |Ana
:
kasukasuan sa pagitan ng hita at ibabâng bahagi ng binti : ATÚK2, GÚNG-U, KÁYAKÁYA, KNEE, LÚLUG, PUWÉG, TÚMENG

tú·hod-ma·nók

png |Bot

tú·hog

png |[ Bik Hil Seb Tag War ]
1:
sunod-sunod na pagpasok sa talì, gaya ng abaloryong gagawing ku-wintas : DÉYENG, ÓBON, TUNGÌ2
2:
pagtusok nang tagúsan, gaya sa baboy o isdang nais na ihawin o sa malakas na tama ng sibat sa biktima : DÉYENG, ÓBON, TUNGÌ2
3:
pagtusok ng karayom na may sinulid gaya sa paghihilbana — pnd i·tú·hog, mag·tú·hog, tu·hú·gin.

tú·hog-da·lág

png |Bot
:
yerbang naipanggagamot ng súgat.

tú·hol

png |[ ST ]
:
madeha ng bulak na pinili, na mayroong siyamnapu’t anim na hiblá.