turno
túr·no
png |[ Esp ]
:
oras ng paggawâ o pagtupad sa gawain na nakalaan sa indibidwal na kasapi ng isang pangkat.
turnover (tern·ów·ver)
png |[ Ing ]
1:
ang akto o pagkakataon ng paglilipat o pagbabaligtad
2:
ang halaga ng salaping nakuha o kiníta sa negosyo
3:
bílang ng tao na pumapasok at umaalis sa trabaho at iba pa
4:
maliit na pie o tart, gawâ sa binilot na piraso ng pastel na may palamán.