upas


u·pás

pnr |[ ST ]
:
lipás na ang natural na lakas, katulad ng upás na tabako o alak.

ú·pas

pnr |[ ST ]
1:
nalagas ang dahon dahil sa hangin o dahil sa katandaan
2:
tinanggalan ng dahon ang puno ng tubó.

ú·pas

png
1:
Bot punongkahoy (Antiaris toxicaria ) na nakukuhanan ng pagkit na ginagamit sa palaso bílang lason, karaniwang matatagpuan sa Java
2:
Mit punongkahoy na Javanese at pinaniniwalaang mamamatay ang sinumang lumapit dito
3:
nakapipinsalang impluwensiya, gawain, at katulad
4:
Bot [Hil] sahà.
5:
pagtatalop sa puso ng mais — pnd mag-ú·pas, mang-ú·pas, u·mú·pas
6:
tawag din sa pinagtalupang balát ng mais.

u·pa·sa·là

png
:
pahayag na may kalakip na paghamak at pagkutya sa kapuwa tao at may layuning ikagalit nitó : INSULT, INSÚLTO Cf ALIKTIYÂ — pnd mang-u·pa·sa·là, u·pa·sa·lá·in.

u·pa·sá·la

png |[ ST ]
1:
salita o kilos na mapanlinlang
2:
latak ng langis
3:
súkat na tatlong siko ang habà.