upod


u·pód

png |[ War ]

u·pód

pnr
:
umikli, numipis, o nawalan ng tulis dahil sa malimit na paggamit : AMÓL, LUSÓK2, MAKURÓL, LÓNGLONG, PUDPÓD, PULPÓL, TAYÁD

ú·pod

png
1:
pag-ikli o pagnipis dahil sa malimit na paggamit, gaya sa pagkaupod ng suwelas ng sapatos o pagkaupod ng kandila : DÚMPOL
2:
pagkawala ng tulis dahil sa malimit na paggamit, gaya sa pagkaupod ng tasá ng lapis o pagkaupod ng talim ng itak : DÚMPOL — pnr u·pód.