vent
vent
png |[ Ing ]
1:
bútas o lagúsan sa dingding na nagsisilbing daluyan ng hangin, usok, at katulad
2:
Heo
apertura na nilalabasan ng mga bulkanikong bagay
3:
Mus
sa instrumentong pangmusika, bútas na pinaglalapatan ng mga daliri
4:
maliit na bútas
5:
Zoo
puwit ng mga hayop, gaya ng ibon, reptil, at katulad.
ven·tíl
png |Mus |[ Ing ]
1:
balbula sa hinihipang instrumentong pangmusika
2:
saraduhang nakokontrol para sa pagpasok ng hangin sa organo.
vén·tral
pnr |[ Ing ]
1:
Ana
hinggil sa tiyan o abdomen
2:
nása bahaging tiyan ng katawan
3:
Bot
hinggil sa pang-ibabâ o pang-ilalim na rabaw sa talulot, dahon, at katulad.
vén·tral fin
png |Zoo |[ Ing ]
:
pelvic fin.
venture (vén·tyur)
png |[ Ing ]
1:
gawain o panukalang walang katiyakan ang kalalabasan, karaniwang mapanganib o alanganin
2:
pamumuhunang pangnegosyo.