volt
volt
png |Ele |[ Ing “Alexander Volta” ]
:
istandard na yunit ng puwersang electromotive, katumbas ng potential difference na maghahatid ng isang ampere ng koryente sa pamamagitan ng resistance ng isang ohm Cf V
voltaic (vol·té·yik)
pnr |Ele |[ Ing ]
:
hinggil sa elektrisidad o koryente, lalo na ang likhang kemikal na reaksiyon, gaya sa baterya.
voltameter (vol·tá·mi·tér)
png |Ele |[ Ing ]
:
kasangkapang ginagamit na pansukat ng kantidad ng elektrisidad na dumaraan sa isang konduktor.
Volte-face (volt-fás)
png |[ Ing Fre “ilingon ang mukha” ]
:
pagbabago ng posisyon, opinyon, o argumento.
voltmeter (volt·mí·ter)
png |Ele |[ Ing ]
:
instrumentong pansúkat at ginagamit sa pagtáya ng potential difference sa pagitan ng dalawang púnto ng isang sirkitong elekriko.