wash


wash

png |[ Ing ]
1:
húgas1 o paghuhúgas
2:
ang kantidad ng mga kasuotan para sa paglalaba
3:
ang nakikita o naririnig na galaw ng hangin o tunog ng hangin sanhi ng pagdaan ng sasakyang pantubig o sasakyang panghimpapawid
4:
lupa na nadalá ng agos ng tubig.

wash (was)

pnd |[ Ing ]
1:
linisin ang sarili
2:
labahán ang damit
3:
hugasan ang mga kasangkapan.

wash and wear (was end wéyr)

pnr |[ Ing ]
:
sa mga tela at kasuotan, hindi na kailangang plantsahin.

washer (wá·syer)

png |[ Ing ]
1:
tao o bagay na naghuhugas
2:
kasangkapan sa paglalaba
3:
sapád na bilóg na goma, metal, katad, at katulad na isinisingit sa hugpungan upang mapigil ang pagtagas ng likido.

washing machine (wá·sying ma·syín)

png |[ Ing ]
:
mákináng de-koryente na ginagamit sa paglalaba : LABADÓRA

washing soda (wá·sying só·da)

png |Kem |[ Ing ]
:
sodium carbonate.