web
web
png |[ Ing ]
1:
Zoo
sápot2
2:
ganap na estruktura o magkakaugnay na serye
3:
Zoo
lamad sa pagitan ng mga daliri sa paa ng hayop o ibon na nakalalangoy
4:
Com
isang sistemang hypertext na tumatakbo sa internet.
wé·ber
png |Ele |[ Ing ]
:
ang metro-kilo-gramo-segundong yunit ng magnetikong daloy at lakas na magnetikong polo.
web offset (web óf·set)
png |[ Ing ]
:
paglilimbag na gumagamit ng serye ng mákináng offset para sa maramihan at mabilisang produksiyon, gaya sa produksiyon ng peryodiko at komiks.
webpage (wéb·peyds)
png |Com |[ Ing ]
:
isang dokumento o pintungan ng impormasyon sa web.
website (wéb·sayt)
png |Com |[ Ing ]
:
koleksiyon ng magkakaugnay na web page, imahen, video, at iba pa.