wood
woodblock (wúd·blak)
png |[ Ing ]
:
tipak ng kahoy na ginagamit sa paggawâ ng woodcut.
woodcarver (wud kár·ver)
png |Sin |[ Ing ]
1:
tao na gumagawâ o lumililok ng disenyo sa kahoy
2:
kasangkapan na ginagamit dito.
woodcarving (wud·kár·ving)
png |Sin |[ Ing ]
1:
paglililok ng disenyo sa kahoy
2:
ang sining o kaalaman ng tao na lumililok
3:
disenyo sa kahoy na likha nitó.
woodcock (wúd·kak)
png |Zoo |[ Ing ]
:
migratoryong ibon (genus Scolopax ) na mahabà ang tuka at kulay kape ang balahibo.
woodcraft (wúd·kraf)
png |[ Ing ]
1:
kaalaman sa mga gawaing ukol sa kahoy
2:
kaalaman sa mga pook na makahoy, lalo na sa kamping, iskawting, at katulad.
woodcut (wúd·kat)
png |Sin |[ Ing ]
1:
may ukit na bloke ng kahoy na maaaring gamitin sa paglilimbag
2:
disenyo o limbag na gawâ mula rito.
woodpigeon (wud·pí·dyon)
png |Zoo |[ Ing ]
:
malakíng kalapati (Columba palumbus ) na may putîng batík na tíla singsing sa leeg.
wood pulp (wúd palp)
png |[ Ing ]
:
minásang sapal ng kahoy na ginagamit sa paggawâ ng papel o táka.
woodrose (wúd·rows)
png |Bot |[ Ing ]
:
malakíng baging (Merremia tuberosa ), may dahong tíla palma, kulay dilaw at hugis kampana ang bulaklak, at may bungang tíla kapsula, katutubò sa tropikong America.
woodwind (wúd·wind)
png |Mus |[ Ing ]
1:
ang mga hinihipang instrumento sa orkestra na gawâ sa kahoy, hal plawta, klarinet, oboe
2:
alinman sa mga kasangkapang ito.
woodwork (wúd·work)
png |[ Ing ]
1:
paggawâ ng anuman sa kahoy
2:
mga bagay na gawâ sa kahoy, lalo na ang kahoy na bahagi ng isang gusali.