a•li•bang•báng
- 1:
- punongkahoy (Bauhinia malabrica) na may dahong hugis paruparo at karaniwang tumataas nang 8 m
- 2:
- paruparo (Order lepidoptora)
- 3:
- malakí-lakí hanggang malakíng uri ng isdang-alat (family Ephippidae), pabilog ngunit sapad at manipis ang katawan, may maikling buntot, at mahahabà ang palikpik na kahawig ng pakpak ng paniki