B, b
- 1:
- ikalawang titik sa alpabetong Filipino at tinatawag na bi
- 2:
- ikalawa sa isang serye o kaayusan
- 3:
- pasulat o palimbag na representasyon ng B o b
- 4:
- tipo, tulad ng sa printer, upang magawâ ang titik B o b
- 5:
- markang akademiko na nangangahulugang magalíng o higit na mahusay sa karaniwan
- 6:
- tipo ng dugo ng tao
- 7:
- a
- ikapitóng nota sa eskalang C major; kilalá bílang ti
- b
- nakalimbag na nota na kumakatawan sa tonong ito
- c
- tonality na may B bílang notang tonic
- 8:
- súkat ng sapatos na higit na maliit sa C ngunit higit na malakí sa A
- 9:
- cup size ng bra na higit na maliit sa C ngunit higit na malakí sa A.