bi•tu•ín
- 1:
- anumang lawas pangkalawakan, maliban sa buwan, na natatanaw bilang kumikislap na mga tuldok sa madilim na langit
- 2:
- anuman sa malalaki at nagniningning na lawas pangkalawakan, gaya ng araw, na may sariling liwanag
- 3:
- lawas pangkalawakan, gaya ng mga planeta, na itinuturing na may kinalaman sa mga tao at sa mga pangyayari
- 4:
- a
- pigurang heometriko na may lima o higit pang puntong sumisinag mula sa gitna
- b
- anumang kahugis nitó
- 5:
- a
- tanyag na artista o mang-aawit
- b
- artistang gumaganap ng pangunahing papel sa isang palabas
- c
- tao na nangunguna o kapansin-pansin sa isang larangan