• E, e

    1. 1:
      ikalimang titik sa alpabetong Filipino at tinatawag na i
    2. 2:
      ikalima sa isang serye o pangkat
    3. 3:
      a
      nakasulat na nota na sumasagisag sa tonong ito
      b
      ikatlong nota ng eskalang diyatoniko sa C major o ikalima sa kaugnay na eskala ng A minor
    4. 4:
      pasulat o palimbag na representasyon ng E o e
    5. 5:
      tipo, tulad ng sa printer upang magawâ ang titik E o e.
  • e

    1. :
      base ng natural logarithm na tinatáyang katumbas ng 2.71828
  • E, e (e)

    1. 1:
      ikalimang titik sa abakadang Tagalog
    2. 2:
      katagang ginagamit na pang-una o panghulí sa isang salita, parirala, o pangungusap na nagpapahiwatig ng pag-iwas, pag-aatubili, o pagkakaila.
  • e

    1. :
      varyant ng ay
  • E, e! (e)

    1. :
      kataga na nagpapahayag ng pagkutya, panunuya, o pagtataká

Huling binago: