ka•máy
- 1:
- dulong bahagi ng bisig ng tao at lampas sa galáng-galángan, kabílang ang mga daliri
- 2:
- paggawâ ng isang bagay na gumagamit ng kamáy, hal pagkakamáy sa pagkain, pakikipagkamáy, likhang-kamáy, at iba pa ngunit ang mahabàng kamáy ay idyoma para sa magnanakaw
- 3:
- pagkirot ng kamáy dahil sa labis na trabaho, mula rito ang nangangámay
- 4:
- sa ibang ha-yop, ang dulong bahagi ng galamay at ginagamit din bílang paa
- 5:
- ang bahagi ng relo na nagtuturò ng oras
- 6:
- manggas ng damit