• li•gáw

    1. 1:
      malayàng gumagalà kung saan-saan
    2. 2:
      a
      kung sa halaman, tumutubò nang hindi itinanim at inaalagaan
      b
      kung sa hayop, ilahas
      c
      hiwid, gaya ng ligáw na bála ng baril
    3. 3:
      nawala sa tumpak na daan
  • lí•gaw

    1. 1:
      pamamasyal, batay dito ang kasabihang “lígaw na ba-bae” para sa pakawalâ at “anak sa lígaw” para sa bastardo
    2. 2:
      paglakad nang patigil-tigil
    3. 3:
      pangingibig ng lalaki sa babae
    4. 4:
      panunuyò sa sinuman upang makuha ang pakay

Huling binago: