kinuha, ibinatay, o hinango; karaniwang dinurugtungan ng sa, kinuha sa, ibinatay sa, o hinango sa
mu•lâ
:
karaniwang may kasunod na “nang” hal, “mula nang mawala ang mananakop…”
mu•lâ
:
tumutukoy sa panahong namagitan, sa panahong binanggit, at sa panahong isinasaalang-alang, karaniwang may katambal na “hanggang,” nagsasaad ng simula ng isang kilos, proseso, at katulad na pangyayari hal, “mula U.P. hanggang EDSA”
mú•la
1:
anak ng kaba-yo at asno at ginagamit sa pagbuhat at paghila ng mabibigat na bagay