• O, o

    1. 1:
      ikalabimpitóng titik sa alpabetong Filipino; isang patinig at tinatawag na o
    2. 2:
      ikalabintatlong titik sa abakadang Tagalog
    3. 3:
      ika-labimpito sa isang serye o pangkat
    4. 4:
      pasulat o palimbag na represen-tasyon ng O o o
    5. 5:
      tipo, tulad ng sa printer, upang magawâ ang titik O o o.
  • -o

    1. :
      pambuo ng pangngalan at pang-uri na may kasariang panla-láki, hal niño, maestro
  • o

    1. 1:
      a
      ipinakikilála ang pangalawa sa dalawang alternatibo, posibilidad, o katulad, hal putî o itim
      b
      ipinaki-kilála ang lahat at ang hulíng alter-natibo, posibilidad, o katulad, hal putî, itim, o pulá
    2. 2:
      nagpapakilála ng singkahulugan o pagpapaliwanag ng naunang sali-ta
  • O!

    1. 1:
      bulalas ng pagkagulat, hindi pagsang-ayon, at iba pa
    2. 2:
      ginagamit sa pagtawag o pagsamo, bago ang pangalan ng tao o pook, hal “O Diyos ko!,” “O irog!,” “O Davao!”
    3. 3:
      ginagamit sa pagta-wag ng atensiyon o pansin sa tao na kinakausap
  • O,

    1. :
      ohm
  • O (o)

    1. :
      tipo ng dugo ng tao
  • O

    1. :
      ginagamit sa pagpapakilála ng isang pahayag o tanong, karaniwang nagpapahiwatig ng pag-aalala, pani-nisi, o agam-agam, hal “O, ano ang nangyari sa kanila?,” “O, tingnan mo ang nangyari.,” , “O, ganyan ang paghawak sa batà.”
  • O

    1. :

Huling binago: