pa-
- 1:
- pambuo ng pang-abay, nagsasaad ng gawi, posisyon, direksiyon, hal papansín, pataás, paakyát
- 2:
- pam-buo ng pangngalan, nagsasaad ng utos o pakiusap, hal pagawâ, patin-dá, paabót
- 3:
- pambuo ng pandiwa, nagsasaad ng pagpapa-túngo sa isang pook, hal paríni, pariyán
- 4:
- pambuo ng pangngalan, dinurugtungan ng -an sa dulo at nag-sasaad ng a pook o gusaling pinang-yarihan, hal pálarúan, páaralán b sabay-sabay na pagkaganap, hal paaláman, patamáan c pook na pinag-gagamitan ng natatanging kasanayan o kaalaman, hal págamútan, pákulú-tan d paligsahan o timpalak, hal pála-kásan, págandáhan
- 5:
- pambuo ng pandiwa, dinurugtungan ng -an sa dulo at nagpapahiwatig ng utos o pakiusap na gawin ang isang bagay para sa pinatutungkulan, hal pabalú-tan, pasamáhan.