ro•sé•ta
- 1:
- anumang ka-ayusan, bahagi, bagay o pormasyon na kahawig ng rosas
- 2:
- hugis rosas na ayos ng laso o katulad na materyales, karaniwang ginagamit na palamuti o badge
- 3:
- inukit o hinubog na palamuti na ka-hawig ng rosas
- 4:
- hugis bulaklak ng rosas na ayos o tubò ng mga dahon
- 5:
- sapád na ulo ng tornilyo o pakò
- 6:
- sakít ng haláman na nagdudulot ng pagsisiksikan ng mga dahon sa pa-bilog na pumpon dahil sa pag-ikli ng mga bahaging nása pagitan ng mga sanga, dulot karaniwan ng funggus, virus, o kakulangan sa sustansiya
- 7:
- isa sa mga batík ng leopardo