sa•ri•wà
- 1:
- kakukuha o kagagawâ pa lámang, hal sariwang gulay, bulaklak, o prutas
- 2:
- kadáratíng pa lámang
- 3:
- hindi maalat, kung sa tubig
- 4:
- hindi panis, kung sa pagkain
- 5:
- hindi ginamitan ng anumang paraan ng pagbuburo, pagtatapa, pagbibilad, o iba pang pampatagal sa gulay, karne, prutas, o isda
- 6:
- hindi pagód
- 7:
- muling tumubò, kung halaman o muling sumakít, kung sugat na inaalagaan
- 8:
- manatiling mukhang batà, o hindi apektado ng nagdaang panahon