sí•ning
- 1:
- kalidad, produksiyon, o ekspresyon ng anumang maganda, kaakit-akit, at may kahalagahang higit sa karaniwan alinsunod sa mga prinsipyong estetiko
- 2:
- mga bagay na nilikha ayon sa pamantayang estetiko, gaya ng pintura, at eskultura
- 3:
- uri o kategorya ng sining hal, sayaw at eskultura
- 4:
- anumang larangan na gumagamit ng kasanayán o malikhaing pamamaraan
- 5:
- prinsipyo o metodo na gumagabay sa anumang uri ng kasanayán o pag-aaral
- 6:
- kasanayán o kahusayan sa pagsasagawa ng anumang aktibidad