• -a
    pnl | [ Esp ]
    :
    pambuo ng pangngalan at pang-uri na may kasariang pambabae, hal niña, maestra
  • A, a
    png
    1:
    unang titik sa alpabetong Filipino at tinatawag na ey
    2:
    una sa isang serye o kaayusan
    3:
    grado o markang akademiko na nangangahulugang pinakamahusay o namumukod
    4:
    pasulát o palimbag na representasyon ng A o a
    5:
    tipo, tulad ng sa printer, upang magawâ ang titik A o a
    6:
    tipo ng dugo ng tao
    7:
    a ikaanim na tono sa eskalang C major o unang tono sa kaugnay na eskalang A minor b ikaanim na tono sa eskalang C major, kilalá bílang la c nakalimbag na nota na kumakatawan sa tonong ito d eskala o key na nakabatay sa notang ito
    8:
    sukat ng sapatos, higit na maliit sa B
    9:
    cup size ng bra, higit na maliit sa B ngunit higit na malakí sa AA.
  • A, a
    png
    :
    unang titik sa abakadang Tagalog at binibigkas na a
  • A!
    pdd
    :
    bulalas ng alinlangan o paghinto sa sasabihin
  • Å (ey)
    symbol | Pis | [ Ing Swe ]
  • a•à
    png
  • a•à
    png
    :
    salitâng batà na nangangahulugang dumi, tae, o anumang maruming bagay
  • a•áb
    png | Kar
    :
    hugpóng o paghuhugpóng ng dalawang pútol o piraso ng kahoy sa pamamagitan ng bútas at mitsa na kahugis ng buntót ng kalapati
  • a•á•da
    pnb | [ Ilk ]
  • a•ád•to
    pnb | [ War ]
  • a•a•gáw
    png | Bot
  • a•ák
    png | [ Kap Pan ST ]
  • a•ák
    pnd | [ ST ]
    :
    hatiin ang maliit na buntot.
  • a•ám
    png | [ Tsi ]
    :
    varyant ng am
  • a•án•hi
    pnb | [ War ]
  • a•án•hon
    pnb | [ War ]
  • a•áp
    pnd | [ ST ]
    :
    bumili ng mga ani ng taníman.
  • á•ap
    png
    :
    malakíhang pagbilí sa ani ng taníman o bukid
  • a•a•pú•yan
    png | [ Ifu ]
    :
    huni ng ído mula sa kaliwa, senyas ng katamtamang tagumpay sa isang larangan.
  • Aaron (éyr•on, a•ár•on)
    png | [ Heb Ing ]
    :
    sa Bibliya, nakatatandang kapatid ni Moses at tagapagtatag ng sinaunang kaparian ng mga Hudyo.