abaniko


a·ba·ní·ko

png |[ Esp abanico ]
1:
natitiklop na pamaypay na maaaring yarì sa papel, tela, balahibo, at katulad : YÁBYAB — pnd a·ba·ni·kú·han, mag-a·ba·ní·ko
2:
Zoo uri ng kabibe o almeha (Amusium pleurorectus ) na hindi kalakihan at manipis ang talukab
3:
Bot yerba (Belamcanda chinensis ) na makapal ang ugat at makintab na itim ang tíla kapsulang bunga : CHINESE BLACKBERRY LILY