ambi
ambiance (am·byáns)
png |[ Ing Fre ]
1:
katangian, kalidad, kalagayan, o atmospera ng isang kaligiran o panahon
2:
anumang pumapaligid o sumasakop.
ám·bi·ba·lén·si·yá
png |[ Esp ambivalencia ]
1:
nagsasalungatang aktitud o damdamin para sa isang tao : AMBIVALENCE
2:
patuloy na paglalaro sa dalawang magkaibayong panig : AMBIVALENCE
3:
kawalang katiyakan : AMBIVALENCE
am·bíg·wi·dád
png |[ Esp ambiguiedad ]
1:
salitâng may dalawang kahulugan : AMBIGUITY
2:
salita, pangungusap, o pahayag na malabò o hindi maintindihan : AMBIGUITY
am·bíl
png
1:
ibang pakahulugan sa tunay at nilaláyong kahulugan ng isang salita
3:
am·bí·lay
pnd |am·bi·lá·yan, i·am·bí·lay, mag-am·bí·lay |[ Hil ]
:
takpan ang balikat ng alampáy o piraso ng tela.
am·bí·wan
pnd |i·am·bí·wan, mag-am·bí·wan |[ ST ]
:
magbulong-bulungan hinggil sa iilang lumiban.
am·bi·yáng
pnr
:
pasán ng dalawang tao.
am·bí·yang
png |[ ST ]
:
pagbuhat o pagpasán ng dalawang tao sa isang bagay.