an
-an
pnl
1:
pambuo ng pangngalan na nangangahulugan ng pook na kinaroroonan ng karamihan ng mga bagay na tinutukoy ng salitâng-ugat, hal aklatan; o pook o gusaling gawaan o pinaglalagakan ng anumang bagay, gupítan, sangláan; o panahon ng isang bagay o gawain, anihán; o kagamitan o kasangkapan, saingán; o tao o pook na nakukunan ng pangangailangan, dulúgan; o pangyayari o kalagayan na gantihan, tambalan, o sabáyan, digmaan, tulungan
2:
pambuo ng pang-uring nangangahulugang labis-labis, hal duguan
3:
pambuo ng pandiwang nangangahulugang isagawâ ang isang bagay sa tao, hayop, o kapuwa bagay, hal tawágan, pintasán
4:
hulapi sa mga salitâng-ugat na nagtatapos sa mga katinig at mga patinig na malumi at marag-sa, hal sabuyan, patungan, pakuluan, bahaan.
-an
pnl |[ Ing ]
1:
pambuo ng pangngalan at pang-uri na nagpapahiwatig ng ugnayan o katangian, hal Asian
2:
pambuo ng pangngalan na nagpapahiwatig ng kasanayan, hal artisan
3:
pambuo ng pangngalan at pang-uri na nagpapahiwatig ng paniniwala, hal Christian.
á·na
png |[ ST ]
:
pag-iingat sa mga bagay o gawain nang walang nakaliligtaan.
a·ná·ang
png |Bot
:
uri ng matigas na punongkahoy (Duabanga moluccana ) : ÍLOÍLO,
LÓKTUB,
MALÁPALÍKPIK
a·ná·bo
png |Bot |[ Ilk ]
:
yerba (Malachra capitata ) na may himaymay na ginagamit sa paghabi ng lubid at may katas na nakagagamot : ANNÁBO,
BAKEMBÁKES,
BULÚHAN,
LABÓG-LABÓG1,
LAPNIS2,
LAPNÍT2
a·nab·yóng
png |Bot |[ ST ]
anacrusis (á·na·krú·sis)
png |[ Ing ]
1:
Lit
sa tulâ, ang walang diing pantig sa simula ng berso
2:
Mus
walang diing nota o mga nota bago sumapit sa unang barline.
á·nag
png |[ Seb ]
:
pag-iihaw ng mais.
a·na·gón
png |Bot
:
mais na murà.
á·na·grám
png |[ Ing ]
:
salita o pariralang nabubuo sa pamamagitan ng pagbalasa sa mga titik ng isang salita : ANAGRÁMA
a·ná·haw
png |Bot |[ Bik Hil Pan Seb Tag War ]
a·nák
png |[ Hil Ilk Iva Kap Mag Pan Seb Tag War ]
2:
taguri sa isang batà.
a·nák
pnd |a·na·kán, a·na·kín, mag-a·nák
1:
magkaroon ng anák
2:
tumayông ninong o ninang.
á·nak-á·nak
png |[ ST ]
:
mahabàng patpat ng kawayan na ginagamit upang ipanghapit sa nipa, kugon, o sawali ng bahay.
a·nák-hí·lig
png |[ ST anak+hilig ]
:
piraso ng kawayan na inilalagay sa himaymay sa paghahabi.
a·ná·ki
pnb |[ ST ]
:
salitâng nagsasaad ng pagkakatulad ; kapara ng.
A·nak ng pú·ta!
pdd |[ Tag anak ng Esp puta ]
:
A·nak ng tú·pa!
pdd
:
hibas para sa Anak ng puta!
a·na·kón·da
png |Zoo |[ Esp anaconda ]
:
malakíng sawá (Eunectes murinus ) na hindi nangangagat ngunit nanlilingkis, at karaniwang humahabà nang hanggang 6 m.
a·nák-pak·pák
png |[ ST anak+pakpak ]
:
panghampas o anumang ginagamit sa paghampas sa bulak.
a·nak·pá·las
png |[ anak+palas ]
:
sanggol na ipinanganak ng inang menor de-edad.
a·nák·pá·wis
pnr |[ anak+pawis ]
1:
tao na dukha
2:
Pol
tao na kabílang sa mababàng uri ng lipunan, hal magsasaka, manggagawa.
a·nak·pi·pís
png |[ anak+pipis ]
:
hagutáng paikót.
a·na·kró·ni·kó
pnr |[ Esp anacrónico ]
:
hindi kapanahon ; mali sa panahon.
a·na·kro·nís·mo
png |[ Esp anacronismo ]
:
kalagayan na wala sa panahon ; pagiging mali sa panahon.
a·nák-sa-lú·pa
pnr
:
hindi alám kung sino ang magulang.
a·nák tik·tík
png |[ ST anak+tiktik ]
:
biniyak na kawayan na ginagamit upang isaayos ang paghahábi ng tela.
a·na·kú·ra
png |[ ST ]
:
matulaing tawag sa tagapamahala ng maliit na sasakyang-dagat.
a·na·lék·tas
png |Lit |[ Esp analectas ]
:
kalipunan ng maiikli o siniping akdang pampanitikan : ANALECTS
a·nal·hé·si·kó
png |Med |[ Esp analgésico ]
:
gamot na nakapagpapaginhawa o nakapapawi ng sakít : ANALGESIC
a·na·li·sá
pnd |a·na·li·sa·hín, i·a·na·li·sá, mag-a·na·li·sá |[ Esp analizar ]
:
surìing mabuti.
a·na·li·sá·ble
png |[ Esp analisable ]
:
maaaring analisahin.
a·ná·li·sís
png |[ Ing analysis Esp ]
1:
surì1 o pagsusuri
2:
detalyadong pag-aaral sa mga elemento at estruktura ng isang substance ; o ang pahayag ng resulta nitó
3:
Kem
[Bik Kap Tag]
pag-alam sa mga bumubuong bahagi ng halò o tambalan
4:
[Bik Kap Tag]
sangay ng matematika na nakatuon sa teorya ng mga funsiyon at mga operasyon sa calculus.
a·na·lí·ti·ká
png |[ Esp analítica ]
:
sining ng analisis.
a·na·lí·ti·kó
pnr |[ Esp analítico ]
:
gumamit ng mahigpit na pagsusuri ; mapanuri.
á·na·lóg
png |[ Ing ]
1:
bagay na katulad
2:
Kem
compound na may estrukturang molecular na kahawig ng isa pa
3:
sintetikong pagkain na kahawig ang lasa ng natural na pagkain
4:
BioK
organ na kawangis ng ibang organ.
analog computer (á·na·lóg kom·pi·yú·ter)
png |Com |[ Ing ]
:
computer na lumulutas ng hatag na suliraning pangmatematika sa pamamagitan ng pisikal na analog.
analogy (a·ná·lo·dyí)
png
1:
Lgw Lit
pagwawángis
2:
Pil
sa lohika, proseso ng argumentong nagbabatay ng paliwanag sa kahawig na bagay o pangyayari
3:
Pil
panggagagad ng mga salita sa pagbuo ng iba
4:
Bio
pagkakahawig ng funsiyon ng mga organong pawang magkakaiba.
a·nal·pa·bé·to
pnr |[ Esp analfabeto ]
1:
hindi makabása o makasulat
2:
hindi alpabetisado.
a·nám
pnb |[ Seb ]
:
dahan-dahan o unti-unti.
a·na·mán
png |Ark |[ ST ]
:
bahagi ng bubong ng bahay.
a·nam·né·sis
png |[ Ing Heb ]
1:
gunitâ o paggunita
2:
panalanging gumugunita sa sakripisyo ni Cristo.
an-án
png |Med
a·na·nap·lá
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng punongkahoy.
a·náng
pnb
a·náng-ang
png |[ Ilk ]
1:
tahol ng áso na bagong panganak
2:
ungol ng áso kapag sinipa o hinagupit.
Ananias (a·nán·yas)
png |[ Ing Heb ]
:
sa Bibliya, namatáy dahil sa pagsisinungaling kay San Pedro.
án·a·pést
png |Lit |[ Ing ]
:
sa tula, sukat na binubuo ng dalawang maikli at walang tuldik na pantig at ng kasunod na mahabà at may tuldik na pantig.
anaphora (a·ná·fo·rá)
png |[ Ing ]
1:
Lit
pag-uulit ng isang salita o parirala sa simula ng magkakasunod na mga parirala
2:
Lit
paggamit ng isang salita na tumutukoy o humahalili sa salitâng naunang ginamit sa pangungusap
3:
bahagi ng Eukaristiya na binu-buo ng konsekrasyon, anamnesis, at komunyon.
a·na·pó·li
pnd |a·na·po·lí·hin, mag-a·na·pó·li |[ ST ]
:
italì ang tukod ng bubong.
a·nár
png |[ ST ]
:
unti-unting paghubog ng isang batà o isang bagong Kristiyano.
a·na·rá·ar
png |[ Ilk ]
1:
liwanag na nakikíta mula sa malayò
2:
pagbukad ng liwayway.
a·na·rang·há·da
pnr |[ Esp anaranjada ]
:
may pagkakahel ang kulay.
a·nar·kí·kó
pnr |[ Esp anarquico ]
:
may katangian ng anarkiya o hinggil sa layunin ng anarkista.
a·nar·kís·mo
png |Pol |[ Esp anarquismo ]
:
doktrinang pampolitika na nagtatakwil sa organisadong awtoridad o pamahalaan.
a·nar·kís·ta
png |Pol |[ Esp anarquista ]
1:
tao na naniniwala at nagtataguyod sa anarkismo
2:
tao na gumugulo o gumagawâ ng kaguluhan sa bayan sa pamamagitan ng pag-aalis sa batas, kaayusan, at pamahalaan.
a·nar·kí·ya
png |Pol |[ Esp anarquía ]
1:
kalagayan ng lipunan na walang pamahalaan : ANARCHY
2:
kaguluhang pambayan dulot ng pagkabuwag ng pamahalaan nang walang malinaw na tunguhin kung ano ang ipapalit dito : ANARCHY
3:
paghahari ng gulo sa anumang samahán : ANARCHY
á·nas
png |[ ST ]
:
lubós na pagkawasak ng mga bungangkahoy o pananím.