Aquino, Benigno (a•kí•no, be•níg•no) : (1932-1983) kilalá rin sa tawag na “Ninoy,” senador at martir ng pagkilos laban sa diktadurang Marcos
Aquino, Melchora (a•kí•no, mel•tsó•ra) : (1812 1919) higit na kilalá sa tawag na “Tandang Sora,” tinaguriang ina ng Katipunan dahil sa kaniyang pagtulong sa mga Katipunero
Aquino de Belen, Gaspar (a•kí•no de be•lén, gas•pár) : awtor ng kauna-unahang pasyon sa Tagalog na inilimbag noong 1704