batibot
ba·ti·bót
png |[ ST ]
:
maliit na bangâ na may makitid na butas o bibig na pinagbubuhusan ng langis ng linga.
ba·tí·bot
png
1:
uri ng matibay na upuan, gawâ sa bakal, karaniwang nakikíta sa may hardin o bakuran ng bahay
2:
tao na maliit ang pangangatawan ngunit matipunô Cf BULÍLIT
3:
pagsusuri o pagsisiyasat nang mabuti sa isang bagay sa pamamagitan ng pagsalat
4:
[ST]
pag-aalis ng bituka
5:
[ST]
pagsisiksik ng isang bagay sa isang butas
6:
[ST]
katawan ng kawayan na halos walang bútas at matigas na ginagamit sa lahat ng uri ng bagay na matibay.
ba·tí·bot
pnr
:
maliit ngunit malakas o matibay.