call (kol) 1: tumawag o tawagin 2: mag-anyaya o anyayahan 3: tumawag ng pansin 4: tawagan sa telepono 5: tanggapin, halimbawa ang isang hámon
call center (kol sén•ter) : isang sentralisadong opisina na tumutugon sa mga tawag ng kostumer na nangangailangan ng impormasyon o dumudulog sa reklamo hinggil sa isang produkto o serbisyo ng isang kompanyang multinasyonal.
curtain call (kúr•teyn kol) : ang pagbabâ at pagtaas ng kortina sa entablado sa simula at wakas ng pagtatanghal
boy scout (boy is•káwt) 1: pandaigdig na samahán ng mga batàng laláki na 11-19 taóng gulang, itinatag sa Great Britain noong 1908 2: kasapi nitó