ce
Cebu (se·bú)
png |Heg
1:
lalawigan sa gitnang Visayas, Rehiyon VII
2:
lungsod sa Cebu at kabesera ng lalawigan Cf SÚGBO
cecitis (si·káy·tis)
png |Med |[ Ing ]
:
pamamagâ ng cecum.
cedi (sí·di)
png |[ Ing ]
:
yunit ng pananalapi ng Ghana.
Celebes Sea (se·le·bés si)
png |Heg |[ Ing ]
:
Dagat Celebes.
celebrant (sé·le·bránt)
png |[ Ing ]
1:
parìng namumunò sa pagtanghal ng Eukaristiya
2:
mga kalahok sa pampubliko at relihiyosong gawain
3:
paglahok sa pagdiriwang
4:
sinumang pumupuri sa isang tao o bagay.
celebrate (sé·le·bréyt)
pnd |[ Ing ]
1:
ipagdiwang o gunitain ang isang araw o pangyayari
2:
ipahayag sa publiko
3:
gumawa ng mga seremonya o kasiyahan.
celebrity (se·léb·ri·tí)
png |[ Ing ]
:
sikát na tao.
cell (sel)
png |[ Ing ]
1:
2:
maliit na pangkat na bahagi ng isang malaking pangkat o organisasyon
3:
Bio
mikroskopikong estruktura ng mga hayop at halaman na naglalamán ng nuklear at cytoplasmic na materyales na napapaloob sa isang semi-permeable membrane : SÉLULÁ
4:
Zoo
isa sa mga bahagi ng pakpak ng kulisap na nahahati ng vein
5:
Ele
gamit na nagdadalá ng elektrisidad
6:
lalagyan ng gas sa balloon
7:
pinaikling anyo ng cellular phone.
cellar (sél·lar)
png |[ Ing ]
:
silid na mas mababà sa pantay lupang palapag ng bahay, karaniwang ginagamit sa pag-iimbak ng alak o uling.
cello (tsé·low)
png |Mus |[ Ing Ita ]
:
pinaikling biyolóntsélo.
cellular (sél·yu·lár)
pnr |[ Ing ]
1:
mayroong maliliit na kompartment
2:
tumutukoy sa anumang bagay na buhaghag
3:
tumutukoy sa mga selula
4:
may kaugnayan sa sistema ng teleponong mobile na gumagamit ng short range na estasyon ng radyo upang saklawin ang bahagi na binibigyan nitó ng serbisyo.
cellular phone (sél·yu·lár fon)
png |[ Ing ]
celluloid (sél·yu·lóyd)
png |[ Ing ]
1:
makunat at madalîng magningas na substance, pangunahing binubuo ng cellulose nitrate at alkampor, ginagamit sa paggawa ng pelikula at film sa x-ray at iba pang produkto
2:
film sa pelikula.
cellulose (sél·yu·lós)
png |Bio |[ Ing ]
:
inert na carbohydrate at pinakamahalagang bahagi ng cell wall ng halaman, tabla, cotton, abaka, at papel.
cell wall (sel wol)
png |Bio |[ Ing ]
:
makunat at kung minsan bahagyang matigas na suson na nakapaligid sa ilang tipo ng cell, at nagsisilbing suportang pang-estruktura, proteksiyon, at mekanismong pansalà.
cementum (si·mén·tum)
png |Med |[ Lat Ing ]
:
tíla butóng tisyu na bumubuo ng panlabas na rabaw ng ugat ng ngipin.
Cenozoic (si·no·zú·ik)
pnr |[ Ing ]
:
tumutukoy sa kasalukuyang panahon na nagsimula mga 70,000,000 taon na ang nakalipas nang sumulpot ang mga mamalya.
census (sén·sus)
png |[ Ing ]
1:
opisyal na talâ ng populasyon na may detalye tungkol sa edad, kasarian, at trabaho : SÉNSO
2:
sa sinaunang Roma, ang pagpapatalâ ng mga mamamayan at kanilang mga ari-arian para sa pagbubuwis : SÉNSO
centimeter-gram-second system (sen·ti·mi·tér-gram-sé·kond sís·tem)
png |[ Ing ]
:
sistémang sentimétro-grámo-segundo.
Central Cordillera (sén·tral kor·dil·yé·ra)
png |Heo
:
bulubunduking may habàng 275 km mula sa gitnang Luzon túngo sa hilagang Luzon at Bundok Pulog ang pinakamataas na taluktok, 2,928 mula sa pantay-dagat.
Central Intelligence Agency (sén·tral in·té·li·dyéns éy·dyen·sí)
png |Pol |[ Ing ]
:
pangunahing ahensiya ng pamahalaan ng Estados Unidos sa pangangalap ng impormasyon, lalo na tungkol sa kaaway Cf CIA
Central Processing Unit (sén·tral pro·sé·sing yú·nit)
png |Com |[ Ing ]
:
mahalagang bahagi ng sistema ng computer na naglalamán ng network ng elektrisidad na kailangan upang magsagawa ng instruksiyon : PROCESSOR2 Cf CPU
century egg (sén·tyu·rí eg)
png |[ Ing ]
:
burong itlog ng mga Chino na nilagyan ng sangkap na pampaitim, karaniwang kinakain bílang pampagana.
century plant (sén·tyu·rí plant)
png |Bot |[ Ing ]
:
agave (Agave americana ) na walang tangkay at may mahabàng matinik na mga dahon, namumulaklak pagkaraan ng maraming taon at sakâ namamatay.
cephalopod (se·fá·lo·pód)
png |Zoo |[ Ing ]
:
molusko na nása uring cephalopoda.
cephalopoda (se·fá·lo·po·dá)
png |Zoo |[ Lat ]
:
uri ng molusko na may katangi-tanging ulo, malakíng matá, at mga galamay, hal pusit, oktopus.
cephalothorax (sé·fa·lo·tó·raks)
png |Zoo |[ Ing ]
:
ulo at thorax ng gagamba, alimasag, at iba pang arthropod.
cerebellum (se·re·bé·lum)
png |Ana |[ Ing ]
:
malaking bahagi ng utak na nag-uugnay ng boluntaryong galaw, tinig, at balanse ng tao, nása likod at ibabâ ng cerebrum : SERÉBELÓ
cerebrum (se·ré·brum)
png |Ana |[ Ing ]
:
pinakamalaking bahagi ng utak na may dalawang hemisphere at kumokontrol ng boluntaryong mga galaw, at nag-uugnay ng mga aksiyong pangkaisipan : SERÉBRO
cerium (sí·ri·yúm)
png |Kem |[ Ing ]
:
metaliko at pinilakang putîng elemento (atomic symbol 58, symbol Ce ).
certain (sér·ten)
pnh |[ Ing ]
:
ilan ngunit hindi lahat.
certain (sér·ten)
pnr |[ Ing ]
:
tiyak na alam.
certified public accountant (sér·ti· fáyd páb·lik a·káwn·tant)
png |[ Ing ]
:
lisensiyadong accountant Cf CPA
certify (sér·ti·fáy)
pnd |[ Ing ]
:
patunayan sa pamamagitan ng sertipiko.
certiorari (sér·syi·yo·rá·ri)
png |Bat |[ Ing ]
:
kahilingan sa nakatataas na hukuman na ipawalang-bisà ang kapasiyahan ng nakabababàng hukuman.
ceruse (sí·rus)
png |Kem |[ Ing ]
:
pulbos, (PbCO3)2·Pb(OH)2 na mabigat, putî, kristalina, hindi nalulusaw sa tubig, nakalalason, at karaniwang sangkap ng oil at water color.
cessation (se·séy·syon)
png |[ Ing ]
:
pansamantala at tuluyang pagkawala o pagtigil.