• daisy (déy•si)

    1. :
      maliit na haláman sa parang (family Composi-tae) na may bulaklak na pabilóg, dilaw ang kulay at may putîng rayos; nagmula rito ang maraming halámang ornamental, tinatawag na composite, at natatangi dahil sa maraming pabilog na bulaklak kabílang na ang mga damong dandelion, thistle, at ang mga bulaklak panghalamanang aster, krisantemo, dalya, at marigold
  • african daisy (áf•ri•kán déy•si)

    1. :
      yerba (Gerbera jamesonii) na may dahong anyong roseta at mapusyaw na lungtian ang kulay, may tangkay na 30 sm ang habà, at ang bulaklak ay kulay pink, pulá, dilaw, o putî; katutubò sa Transvaal, Africa