disease (di•sís) 1: sakít2 2: kalagayan ng katawan o isip na hindi malusog 3: katulad na kondisyong pisikal ng mga haláman at hayop
newcastle disease (nyu•ká•sel di•sís) : malubhang lagnat dulot ng virus at nakaaapekto sa mga ibon at manok
Alzheimer’s disease (alts•háy•merz di•zíz) : sakít sa utak na tumutukoy sa wala sa panahong pagkaulianin
rheumatic heart disease (ru•mát•ik hart di•sís) : pinsala sa puso, lalo na sa balbula, bunga ng rheumatic fever na nagdudulot ng pa-mamagâ sa myocardium at hindi pag-gana ng mga balbula ng puso
Sexually Transmitted Disease (séks •u•wál•i trans•mít•ed di•sís) : anumang sakít na nakukuha sa pakikipagtalik
foot and mouth disease (fút end-mawt di•sís) : mabilis makahawang sakít ng báka, baboy, at iba pa, na lumilikha ng lintos sa bunganga at sa palibot ng kukó