E, e (e) 1: ikalimang titik sa abakadang Tagalog 2: katagang ginagamit na pang-una o panghulí sa isang salita, parirala, o pangungusap na nagpapahiwatig ng pag-iwas, pag-aatubili, o pagkakaila.
E, e 1: ikalimang titik sa alpabetong Filipino at tinatawag na i 2: ikalima sa isang serye o pangkat 3: a nakasulat na nota na sumasagisag sa tonong ito b ikatlong nota ng eskalang diyatoniko sa C major o ikalima sa kaugnay na eskala ng A minor 4: pasulat o palimbag na representasyon ng E o e 5: tipo, tulad ng sa printer upang magawâ ang titik E o e.
bi•ta•mí•na E : fluid na malapot at manilaw-nilaw, matatagpuan sa langis ng wheatgerm, nagpapalaganap ng fertilidad, panlaban sa aborsiyon, at aktibo sa pagpapanatili ng sistemang masel na walang kontrol