eli
Eli (í·lay)
png |[ Heb Ing ]
:
sa Bibliya, paring gumanap na guro ng propetang si Samuel.
e·lí·hi·bi·li·dád
png |[ Esp eligibilidad ]
:
kalagayan ng pagiging elihible, karaniwang may kinaláman sa karapatang bumoto o manungkulan.
Elijah (i·láy·ja)
png |[ Heb ]
:
propetang Hebrew sa panahon ni Jezebel, nagpanatili sa pagsamba kay Jehovah laban kay Baal at ibang paganong diyos.
e·lik·sír
png |[ Esp elixir ]
1:
Kem
preparasyong alkemiko na ipinalalagay na nakapagpapahabà ng búhay at nakagagawâ ng ginto mula sa mga karaniwang metal : ELIXIR
2:
anumang nakapagpapagalíng sa pamamagitan ng kahanga-hangang paraan : ELIXIR
3:
sa parmasya, likidong mabango at naigagamot o ginagawâng pampalasa : ELIXIR
e·lí·mi·ná
pnd |e·lí·mi·na·hín, í·e·lí· mi·ná, mág-e·lí·mi·ná |[ Esp elimi-nar ]
1:
mag-alis o alisin
2:
magba-was o bawasin.
e·lí·mi·ná·do
pnr |[ Esp ]
:
naalis ; nabawas.
e·lí·mi·nas·yón
png |[ Esp elimina-ción ]
:
pag-aalis ; bawás1 o pagbabawás.
é·li·sé
png |[ Esp hélicé ]
:
kasangkapang binubuo ng mga hugis dahong metal na nakakabit sa unahán o sa hulihán, umiikot, at nagpapaandar ng sasakyang de-motor : BALAKÁTAK2,
PROPELLER2,
SABÁT5,
SANDÍRIT2
Elisha (i·láy·sya)
png |[ Ing Heb ]
:
propetang Hebrew, disipulo, at kahalili ni Elijah.
e·lis·yón
png |Gra |[ Esp elisión ]
elite (e·lít)
png |[ Ing ]
1:
nakaaangat o pilîng bahagi ng higit na malakíng lawas o pangkat
2:
pilîng pangkat o uri
3:
laki ng tipo ng makinilya.
e·li·tís·mo
png |[ Esp ]
:
pagpapairal ng pamumunò ng pilîng pangkat o uri.