giba


gi·bâ

pnr
:
wasák — pnd gi·ba·ín, gu·mi·bâ, i·páng·gi·bâ, máng·gi·bâ.

gí·bak

png |[ Ilk ]
:
piraso ng nabasag na palayok.

gi·báng

png |[ Seb ]

gí·bang

png
1:
[ST] paglakad o kilos na tulad ng bangka na pagiwang-giwang : GÍLANG
2:
[ST] kibal tulad ng sa tabla o kahoy
3:
Ntk [Kap] magaan at mabilis na bangka
4:
[Bik Hil] píngas — pnd gi·bá·ngan, gu·mí·bang.

gi·bâng da·lun·dóng

png |[ gibâ+ng dalundong ]
:
kasayahang idinaraos pagkatapos ng masaganang pag-aani ng palay, karaniwang nagkakaloob ng gantimpagal ang may-ari ng lupa sa kaniyang mga kasamá var tagibang dalundon

gi·báw

png |Bot
:
matataas na damo na lumalago sa pasigan o tabing-ilog.

gí·bay

png |[ Hil Tag War ]
:
paninimbang o pagtutuwid ng timba hábang lumalakad lalo na’t tumutulay at may panganib mahulog.