hima


hi·mà

png |Bio
1:
maputîng likidong lumalabas sa puke
2:
maputî at may amoy na likidong naiipon sa puke.

hí·ma

png |Med |[ ST ]
:
singaw sa balát sanhi ng pagpapawis.

hí·mag

png |[ Hil ]
:
pinaghalòng katas ng iba’t ibang punongkahoy ; pinaniniwalaang nakagagalíng ng mga súgat.

hi·ma·gál

png
1:
bayad sa paggawâ o paglilingkod Cf GANTIMPALÀ, PABUYÀ
2:
pagpapahinga mula nakagawiang gawain sa pamamagitan ng paggawâ ng iba.

hi·má·gal

png |[ hing+pagal ]
:
labis na págod.

hi·má·gan

png |[ Hil himag+an ]
1:
tao na gumagawâ o nagtatago ng himag
2:
manggagamot na gumagamit ng himag.

hi·má·gas

png
1:
pang·hi·má·gas matamis na kinakain pagkatapos ng karaniwang pagkain : DESSERT, PALAMÍS, PÓSTRE, SARAMSÁM
2:
pagtapos sa gawain nang walang kahirap-hirap — pnd hi·ma·gá·sin, i·pang·hi·má·gas, mang·hi·má·gas.

hi·má·gaw

png |Med |[ hing+pagaw ]

hi·má·go

png |[ hing+bago ]
:
pansamantalang paninibago sa trabaho o paligid.

hi·mag·sík

png |pag·hi·hi·mag·sík |[ hing+bagsík ]
1:
pagkadamá ng pagtutol o poot laban sa awtoridad, batas, o tradisyon : REBELLION, REBELYÓN
2:
pagtatakwil sa katapatan sa isang organisasyon : REBELLION, REBELYÓN
3:
organisadong pagpapahayag o pagkilos upang tumutol : REBELLION, REBELYÓN
4:
Pol organisado at armadong paglaban sa gobyerno : ALSÁ2, ALSAMYÉNTO, BÁNGON3, REBELLION, REBELYÓN, UPRISING Cf HIMAGSÍKAN

hi·mag·sí·kan

png |Pol |[ himagsík+an ]
1:
pagbabago sa pamahalaan o pamamahala sa pamamagitan ng nagkakaisang pagkilos ng taumbayan : KAGÚBAT, REBOLUSYÓN1
2:
batayang pagbabago sa kalagayang panlipunan at pangkabuhayan : KAGÚBAT, REBOLUSYÓN1

hi·má·hid

png |[ hing+pahid ]
:
paglilinis nang tuyo sa pamamagitan ng pagpapahid ng nililinis sa panlinis sa halip na pagpapahid ng panlinis sa nililinis, hal paghimahid ng palad sa tuwalya.

hi·ma·kás

png |[ hing+bakás ]
1:
bagay na tagapagpaalala ng iba
2:
hulíng paalam.

hi·ma·lâ

png |[ hing+balà ]
1:
pangyayaring malinaw na salungat sa kinikilálang batas na siyentipiko : MILÁGRO, MIRACLE
2:
katangi-tanging bagay o pangyayari : MILÁGRO, MIRACLE
3:
kahanga-hangang halimbawa : MILÁGRO, MIRACLE

hi·má·lad

png |[ Bik Seb hing+palad ]
:
panghuhula sa pamamagitan ng pagbása sa palad.

hi·ma·la·nì

png |Ele Pis |[ hing+balanì ]
1:
larangang magnetiko o puwersa nitó
2:
kondisyon o kalidad ng pagiging magnetiko.

hi·ma·lát·yon

pnr |[ Seb ]
:
naghihingalo ; nag-aagaw-búhay.

hi·má·lay

png |[ hing+palay ]
1:
Agr pangalawang paggiik sa uhay ng palay upang makuha ang mga butil na hindi nakuha sa una : HIMUGTÓNG
2:
paghabol, paghúli, o pag-abot sa isang bagay sa pangalawa o hulíng pagkakataon.

Hi·ma·lá·yas

png |Heg
:
bulubunduking tinatayâng humahabà nang 2,400 km sa hanggáhan ng Tibet at India ; ang pinakamataas na taluktok ang sa Bundok Everest, 8,848 m.

hi·mál·hin

pnr |[ Seb ]

hi·ma·lî

png
1:
[hing+dalî] pagmadalî
2:
[hing+malî] hulíng pagwawasto o rebisyon.

hi·má·ling

png |[ hing+báling ]
1:
pagkahibang ; matinding pagkagusto o pagkahilig sa isang gawain, tao, hayop, o bagay
2:
paghinto sa paggawâ sa isang bagay upang bigyan ng atensiyon o gawin ang ibang higit na kailangan Cf HUMÁLING

hi·má·lit

png |[ hing+palit ]
1:
pamahiin na sásakít ang tiyan ng isang tao kapag naupô sa naunang inuupuan ng iba
2:
pagpapapalit ng salaping may malakíng denominasyon sa higit na mababà.

hi·ma·lò

png |[ hing+balò ]
:
panlilinlang sa mga tao sa pamamagitan ng pagtákot sa kanila.

hi·má·mat

png |Agr
:
pagbubungkal para sa pagtatanim ng palay.

hi·má·maw

png |Bot

hi·mán

png |Med |[ Bik ]
:
magalíng nang sugat.

hí·man

png
1:
paggawâ nang mabagal para maging maganda ang resulta
2:
kakulangan sa kumpiyansa

hi·man·dák

png |[ hing+pandák ]

hi·man·dáy

png |Med |[ hing+bandáy ]
:
manhid na pakiramdam, lalo na sa kamay at paa.

hi·máng·gas

png |[ War ]

hi·mang-ít

png |[ hing+pang-it ]
:
pagkain ng lamáng nakakapit sa butó, tulad ng ginagawâ ng áso.

hi·mang·láw

png |[ hing+panglaw ]
:
pagiging malungkutin.

hi·máng·no

png |[ War ]
:
pansín2 o pagpansín.

hí·man-hí·man

png |[ ST ]
:
pagginhawa ng pakiramdam ng isang pagód.

hi·má·nit

png |[ hing+panit ]
:
pagtanggal sa nakakapit na lamán sa balát ng kinatay na hayop.

hi·man·mán

png |[ hing+manmán ]
1:
wastong pag-unawa at pag-alam sa mga itinurò
2:
Bio hingá1 o paghingá.

hi·man·tíng

png |[ hing+bantíng ]
:
pagkayod sa maliliit na sanga o bukó mula sa kawayan o katawan ng punongkahoy.

hi·man·tók

png |[ hing+pantók ]
1:
muling pagkompone matapos ang una
2:
pangalawa at sunod-sunod na pag-akyat ng bundok.

hi·man·tón

pnd |hu·mi·man·tón, i·hi· man·tón |[ ST ]
:
ituwid at pamahalaan ang isang bagay.

hi·má·ra

png |[ hing+para ]
:
paghahambing ng sariling biyaya at kasawían sa natamo ng iba : HIMÁRIS

hi·má·ris

png |[ hing+paris ]

hí·mas

png |pag·hí·mas
1:
paghaplos sa balát : APÍS3, FONDLE
2:
paghaplos sa balahibo ng manok o buhok ng áso, pusa, at iba pa — pnd hi·má·sin, i·hí·mas, mang·hí·mas.

hi·ma·sâ

png |[ hing+basâ ]
:
paghuhugas sa puke.

hi·má·san

pnd |i·hi·má·san, mag·hi·má·san |[ ST hing+pasan ]
:
ipahiya o insultuhin ang iba sa pamamagitan ng paggamit ng masasakít na salita.

hi·mas·más

png |[ hing+basbás ]
1:
natauhan o gumalíng mula sa pagkahibang : GIMASMÁS, GIMAYMÁY, GIWASWÁS
2:
panunumbalik ng isip pagkagising : GIMASMÁS, GIMAYMÁY, GIWASWÁS — pnd ma·hi·más· ma·sán, ma·ka·hi·mas·más.

hi·má·sok

png |[ hing+pasok ]
:
pakikialam sa gawain ng iba — pnd mang·hi·má·sok, pang·hi·ma· sú·kan.

hí·mat

png
:
labis na ingat o alaga sa ginagawâ.

hi·ma·táy

png
1:
Med [hing+patay] pagkawala ng málay : ALIMORÉNG, GITÁS1, KUYÁP, LÍPING1, LÍPONG, TALIMÚDAW, TARÁBAY
2:
[hing+batay] bayad na ibinibigay sa guwardiya dahil sa panganib na kasáma ng kaniyang gawain.

hi·ma·tá·yon

png |Asn

hi·ma·té

png |[ Bik ]
:
pakinig, pagkaintindi Cf HINANYÓG

hi·ma·tì

png |[ hing+batì ]
1:
pag-ukulang mabuti ng pansin kung ano ang sinasabi
2:
tiwalà2 o pagtitiwalà
3:
bayad na ibinibigay sa inuupahang magbantay sa isang pook laban sa mga magnanakaw.

hi·ma·tíd

png |[ hing+patíd ]
1:
buwis o bayad sa kanselasyon o pagpapawalang-bisà ng isang obligasyon, kontrata, o karapatan
2:
buwis sa eksportasyon o paglalabas ng kalakal
3:
paggugupit ng sinulid, himaymay, at katulad upang maging pantay.

hi·mat·nú·gin

pnr |[ hing+itlog+in ]
:
matamlay, nanghihina, o nanlalambot ang katawan.

hi·ma·tón

png |[ hing+baton ]
1:
balita o pabatid na detalyadong ibinigay
2:
pagtuturò ng daan ; pagbibigay ng direksiyon upang matagpuan ang hinahanap na pook o bagay var himatóng

hí·maw

png |[ ST ]
:
pagmadalî sa trabaho o gawain.

hi·má·wis

png |[ hing+pawis ]
:
anumang bayad para sa ginawâ.

hi·máy

png
1:
pag-aalis ng butil ng mais sa busal o pag-aalis ng butó ng gulay o prutas
2:
pag-alis ng lamán ng lamandagat
3:
masusing pag-aaral o pagsusuri sa isang bagay
4:
tálop o pagtatálop — pnd hi·ma·yín, i·hi·máy, mag·hi·máy.

hí·may

png
1:
pagpapahinga matapos ang gawain
2:
pag-inom o paninigarilyo matapos kumain o bago matulog.

hi·ma·yà

png |[ Hil Seb War ]

hi·may·báy

png |[ hing+baybay ]

hi·may·máy

png
1:
Bio tíla sinulid na estruktura na bumubuo sa tisyu ng hayop o haláman : FIBER
2:
anumang materyal na maihihiwa-hiwalay na tíla sinulid at magagamit sa paghahabi : FIBER, LÍNAT, SABÓT, SUTSÚT, URÁT, YAMUNGMÓNG2 Cf LÁNOT5
3:
kapayapàan2-4 var humaymáy
4:
pagkahimatay dahil sa pagod.

hi·may·nát

png |[ hing+baynat ]
1:
2:
Bot baging (Schefflera trifoliata ) na mabulaklak, at biluhabâ ang bunga na may limang sulok : GÁNAYGÁNAY, SÍNAT2