imbay


im·báy

png
1:
[Seb Tag] pagkampay ng kamay hábang naglalakad : ÁYAS, HÁGYON, HÁYON2, HAYÓN-HÁYON, HIYÓNHIYÓN, KÍMBE, WÁWANG, WIDÁWID
2:
marahang takbo ng kabayo.

im·ba·yá·han

png |[ Bon ]
:
pagdiriwang na maringal.

im·bá·yog

png
1:
mabilis na paggalaw papunta sa kaliwa at kanan : OSCILLATION, OSILASYÓN
2:
pag-iba-iba ng opinyon, paniniwala, kondisyon, at iba pa : OSCILLATION, OSILASYÓN
3:
regular na pagtaas at pagbabâ ng halaga o kantidad : OSCILLATION, OSILASYÓN