imperyal
im·per·yál
pnr |Pol |[ Esp imperial ]
1:
may katangian ng isang imperyo o soberanong estado : IMPERIAL
2:
may katangian ng isang emperador o pinakamataas na awtoridad : IMPERIAL
im·pér·ya·lís·mo
png |Pol |[ Esp imperialismo ]
:
patakaran sa pagsakop ng isang bansa o imperyo sa ibang bansa o teritoryo ; pag-impluwensiya o pagkontrol ng isang bansa sa mahinà at mahirap na bansa sa pamamagitan ng kalakalan, diplomasya, at katulad : IMPERIALISM