ipaki


i·pa·kí-

pnl
1:
unlaping binago mula sa mga pandiwang maki-, nagpapahayag ng isang hiling upang isagawâ ang kilos sa salitâng-ugat, hal “Ipakibili mo ako ng tinapay.” sa halip na “Makibili ng tinapay.”
2:
unlapi ng mga pandiwa sa pokus akusatibo at binago mula sa pandiwang maki-, nagpapahayag ng hiling na ibílang ang paksa sa kilos na isasagawâ, hal “Ipakilista si Pedro sa mga pupunta ng Maynila.”

i·pa·ki·pá-

pnl
:
nakabatay sa unlaping ipaki-, gumagamit ng mga pangngalan na may pa-, nagpapahayag ng bagay na dapat gawin o tupdin, hal “Ipakipasara ang pinto mamaya.”

i·pa·ki·pág-

pnl
1:
unlaping nakabatay sa i-, binago mula mga pandiwang mag-, magpa-, at maki-, at nagpapahayag ng pagsisikap ng tagaganap na maisáma ang isang tao sa gawain niya at ng iba pa, hal “Ipakipaglaban ang kalayaan.”
2:
unlaping nakabatay sa ipaki-, binago mula sa mga pandiwang makipag-, ngunit karaniwang ginagamit bílang pangngalan o pang-uri sa mga anyong ipinakikipag-, ipinakipag-, at ipakikipag-, at nagpapahayag ng pokus na instrumental o kawsatibo, hal “Barong-tagalog ang ipinakipagsayawan niya.”
3:
May kalakip na hulaping –an at bumubuo ng mga pandiwa na may pokus na instrumental o kawsatibo at binago mula mga pandiwang makipag- + -an, hal “Ipinakipaglabanan ng partido ang kandidatura ni Jose.”