i•pa•ki•pág-
- 1:
- unlaping nakabatay sa i-, binago mula mga pandiwang mag-, magpa-, at maki-, at nagpapa-hayag ng pagsisikap ng tagaganap na maisáma ang isang tao sa gawain niya at ng iba pa, hal “Ipakipaglaban ang kalayaan.”
- 2:
- unlaping nakabatay sa ipaki-, binago mula sa mga pan-diwang makipag-, ngunit karaniwang ginagamit bílang pangngalan o pang-uri sa mga anyong ipinakikipag-, ipinakipag-, at ipakikipag-, at nagpapahayag ng pokus na instrumental o kawsatibo, hal “Barong-tagalog ang ipinakipagsayawan niya.”
- 3:
- May kalakip na hulaping –an at bumubuo ng mga pandiwa na may pokus na instrumental o kawsatibo at binago mula mga pandiwang makipag- + -an, hal “Ipinakipaglabanan ng partido ang kandidatura ni Jose.”