• lá•bo

    1. :
      naging bagsak o maralita.
  • la•bó

    1. :
      kalagayan ng anumang buhaghag at madalîng madurog
  • lá•bo

    1. 1:
      paghahalo-halo at maingay na pagsasáma-sáma ng mga tao kapag sila ay magulo o nagkakatuwaan, karaniwang ginagamit sa anyong inuulit
    2. 2:
      away ng tatlo o higit pang tao o panig na laban sa isa’t isa; laban na walang kampihan
    3. 3:
      uri ng saging
  • la•bò

    1. 1:
      likido na nalabusaw
    2. 2:
      anumang bagay na mahirap maunawaan
    3. 3:
      pagiging malamlam o pagiging madilim, karaniwan ng liwanag
    4. 4:
      pagdilim ng paningin
    5. 5:
      mahinàng pagkakaintindi sa isang bagay; hindi makarinig nang maayos
    6. 6:
      hindi malinaw na pagbigkas ng salita