• láng•ka

    png | Say | [ Sma ]
    :
    sayaw ng pakikidigma.

  • lang•kâ

    png | Bot | [ Bit Hil Iba Ilk Mrw Pan Seb Tag War ]
    :
    punongkahoy (Artocarpus heterophyllus) na makintab ang lungting dahon, at may bungang oblong na 60 sm ang habà at kulay lungti na nagiging dilaw kapag nahinog, may bukól-bukól na balát, at malinamnam ang mahimaymay na lamán