lansones


lan·só·nes

png |Bot |[ Esp lanzones ]
:
maliit na punongkahoy (Lansium domesticum ) na tumataas nang 4-15 m, may eliptikong dahon na 18 sm ang habà, may maliliit na bulaklak, at may bunga na bilugan at kumpol-kumpol na may isa hanggang dalawang butó na nababálot ng nakakaing lamán, itinatanim sa maraming bahagi ng Filipinas dahil sa malinamnam na bunga : BOBÓA, BÚKAN, BULÁHAN, LÚHU

lan·só·nes-bun·dók

png |Bot
:
pu-nongkahoy (Lansium dubium ) na may bungang bilóg, kulay kape hanggang dilaw, malamán, at may katamtamang asim : BUWÁHAN3