lathala
lat·ha·là
png
1:
anumang akda na inilimbag o inimprenta, gaya ng lathala sa peryodiko, aklat, at iba pang katulad Cf PUBLIKASYÓN2
2:
pahayag o paunawa hinggil sa isang bagay o pangyayari
3:
Ntk
tikin sa pamamangka
4:
[ST]
paglalagay ng kahoy o anumang magsisilbing táwíran — pnd i·lat·ha·là,
i·pa·lat·ha·là,
mag·lat·ha·là.
lat·há·la
png |[ ST ]
1:
anumang bagay na nakaharang sa daan, katulad ng higaan na nása gitna ng bahay
2:
anumang paliwanag at ikinalat na pahayag.
lat·ha·la·án
png |[ lathala+an ]
1:
pook na pinaglilimbagan ng mga aklat, diyaryo, o magasin
2:
ang inilimbag na aklat, diyaryo, o magasin.