lila


li·là

png
:
mga baság na piraso ng palayok, karaniwang ginagamit na pansamantalang tungkúan sa pagluluto.

lí·la

png
1:
[ST] luad na sisidlan na ginagamit sa paglusaw ng bakal : KRISÓL, MELTING POT
2:
[ST] ang nasabing sisidlan na ginagamit din sa pagbubusá ng mais at katulad na pagluluto Cf KAWALÌ
3:
Bot [Esp] biyoléta.

lí·la

pnr |[ Esp ]
:
mapusyaw na bughaw, may bahid na pulá, at nása dulo ng ispektrum : BIYOLÉTA, HABÁN, HABÁN-ÚBE, HENSIYÁNA, LAVENDER, LILAC, ÚBE, VIOLET

lilac (láy·lak)

pnr |[ Ing ]

lí·lak

png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng malaking dahon.

lí·lang

png
1:
piraso ng mga batóng ginagawâng pansamantalang lutu-án ; tungkong kalan
2:
kilos na nagpapahiwatig ng pagtutol o pagmamataas sa kapuwa sa pamamagitan ng pagtaas ng ulo, pagpikit, at pagsasalubong ng kilay.

lí·lang

pnd |i·lí·lang, lu·mí·lang, mag·lí·lang |[ ST ]
1:
tumingin na parang isang bulág
2:
maglibang o ipagpaliban ang bagong kalungkutan.

lí·lang

pnr |[ ST ]
:
walang ningning.

lí·lap

png |[ ST ]
:
pagpungay ng mga matá ng lasing.