lote


ló·te

png |[ Esp ]
1:
piraso ng lupa na may mga tiyak na hanggahan lalo na ang nakalaan para pagtayuan ng bahay o gusali sa bayan o lungsod LAGÁY3 LOT
2:
isang piraso ng lupa para sa mga tiyak na layunin, gaya ng lote para sa paradahan ng sasakyan o parking lot.

lo·te·rí·ya

png |[ Esp lotería ]
1:
paraan ng pangangalap ng salapi sa pamamagitan ng mga tiket na may mga numero at pagbibigay ng premyo sa sinumang mabunot : LOTTERY, SWEEPSTAKE1
2:
proseso, proyekto, at iba pa na nakasalalay sa pagkakataon o kapalaran ang tagumpay var LOTÉRYA Cf LOTTO
3:
LOTTERY, SWEEPSTAKE1

lo·tér·ya

png |[ Esp lotería ]
:
varyant ng loteríya.