mal


mal

png

mal-

pnl |[ Esp ]

mal

pnr
1:
[Kap] mahál
2:
[Esp] masamâ : MALÎ

ma·lá

png
1:
[ST] pagpupunas sa isang bagay
2:
Bot punongkahoy (Elaeocarpus grandiflorus ) na makinis at tumataas nang 24 m, may mapait na balát, bilugang mga dahon, putîng bulaklak, at lungting bunga.

ma·lá-

pnl |[ Esp ]
:
pambuo ng pang-uri, nangangahulugang kawangis, katulad : ALÁ-, MAL-

ma·lá

pnr |[ Hil Seb ]

ma·là

png |[ Mrw ]

má·la

pnr |[ Esp ]
:
masamâ, má·lo kung panlaláki.

ma·la·a·nó·nang

png |Bot

ma·la·á·pi

png |Bot |[ ST ]
:
uri ng punongkahoy.

ma·la·á·sis

png |Bot
:
uri ng punongkahoy.

ma·la·á·tis

png |Bot
:
palumpong (Dasymaschalon clusi-florum ) na may makikinis na dahon, matulis ang dulo, at karaniwang nag-iisa ang bulaklak na manilaw nilaw ang kulay, at nagagamit na pampatuyô sa mga sugat : LANÚTANG-PUTÎ, MALASAGIYAT, PANÁGIT

ma·la·á·woy

png
:
kahoy na panggatong at matagal magningas.

ma·la·bag·yó

png |Bot |[ ST ]
:
uri ng punongkahoy.

ma·la·bá·kay

png |Bot |[ ST ]
:
uri ng yantok Cf UWÁY

ma·la·ba·lúg·bug-da·gís

png |Bot |[ Kap mala+balugbug+dagis ]

ma·la·bá·nag

png |Bot |[ ST ]
:
uri ng malabaging na haláman (genera Convulvulus at Calystegia ).

ma·la·bá·nak

png |Bot |[ ST ]
:
uri ng isda na tulad ng banak.

ma·la·bá·nos

png |Zoo |[ ST ]
:
isdang-alat (family Muraenidae ) na mahabàng tíla ahas ang katawan, karaniwang kayumanggi, lungtian, o dilaw na may mga guhit o bátik, at may malaking bibig na may matatalim na ngipin : BARÁSON, BURIRÁWAN, HÁGMAG, HÁNGIT, HAWÍG, INDÁNG, LABÚNG, LAMBÍGA, MORAY EEL, ÓGBOK, PÁYANGÍTAN, TAGÍBOS, TAGÍBUS, ÚGDOK

malabar spinach (ma·lá·bar is·pí·nats)

png |Bot |[ Ing ]

ma·la·ba·sá·han

png |Zoo
:
uri ng ahas-dagat na guhitan ang katawan at anyong basahan ang balát.

ma·la·ba·tó

png |Bot
1:
[ST] butil ng uhay na nagsisimula pa lámang na magkakulay

ma·la·bá·wang

png |Bot
:
bulbong yerba (Eleutherine palmifolia ) na mahabà ang dahon at may putîng bulaklak, katutubò sa tropikong America.

ma·la·ba·yá·bas

png |Bot

ma·la·ba·yá·wak

png |[ ST ]
1:
Zoo uri ng buwaya na maliit at kasukat ng bayawak.
2:
Bot santol na manibalang.

ma·lá·bi

png |[ Ilk ]
:
banga ng tubig.

ma·la·bí·bi

png |Ntk |[ ST ]
:
bangkâ na maliit at makintab.

ma·la·bi·gà

png pnr |[ ST ]
:
varyant ng balabíga.

ma·la·bó

pnr
:
buhaghag at madalîng madurog : GÁBOG

ma·la·bò

pnr
:
may katangian ng labò : FOGGY, HÁGAW-HÁGAW, HANÁP, ILÁM, KOYÁP, SOFT, TALOHÍMIG, VAGUE, WEAK

ma·la·bu·gî

png |Bot |[ ST ]
:
ilahas na punò ng makopa (Syzygium malaccense ).

ma·la·bu·hók

png |Bot |[ ST ]
:
damong tíla buhok.

ma·la·buk·bók

png |Bot
1:
[ST] uri ng punongkahoy na maganda ang kahoy
2:
halámang baging (Quamoclit pennata ) na ornamental.

ma·la·bú·lak

png |Bot
:
palumpong (Justicia gendarussa ) na 2 m ang taas, nagsasanga ang tangkay na mamulá-mulá kapag murà at nagiging lungtian kapag gumulang.

ma·la·bú·nga

png |Bot |[ ST ]
:
napakalaking punongkahoy na ginagawang sasakyang-dagat

ma·la·bu·wá·ya

png |Bot

Malacañang (ma·la·kán·yang)

png |Kas Pol
1:
opisyal na tahanan ng pangulo ng Filipinas na nása San Miguel, Maynila
2:
sangay na tagapagpaganap ng pamahalaan.

ma·la·dú·hat

png |[ ST ]

ma·lad·yóng

png |Zoo

ma·la·gá

pnr |[ ST ma+lagâ ]
:
nanghinà dahil gutóm.

ma·lá·ga

png |Zoo |[ Ilk ]

ma·la·ga·máw

png |Zoo |[ ST ]
:
isang uri ng butete.

ma·la·gá·nit

png |Bot |[ Tag ]

ma·la·gá·tas

png
1:
Bot [ST] bunga ng palay kapag ito ay muràng-murà pa
2:
galapong na malabnaw.

ma·la·ga·tá·win

png |Bot |[ ST ]
:
uri ng punongkahoy.

ma·la·gá·wan

pnr |[ Ilk ]

Ma·la·gén·ya

png |Ant |[ Esp malagueña ]
:
babaeng taga-Malaga, Espanya, Ma·la·gén·yo kung laláki.

ma·lag·há·ni

png |Bot |[ Tag ]

ma·lag·há·nip

png |Bot |[ Tag ]

ma·la·gí·hay

pnr |[ ST ]
1:
medyo tuyô o hindi ganap na tuyô : MALAYNÁLAS
2:
medyo sariwa : MALAY-NÁLAS

ma·la·gíng

pnd |i·ma·la·gíng, mag·ma· la·gíng, ma·lá·gi·ngín |[ ST ]
:
magbingi-bingihan o magkunwang bingi.

ma·lag·kít

png |Bot |[ Kap Tag War ]
:
uri ng palay na ginagamit ang bigas sa paggawâ ng kakanin : ANRAPKÉP, PILÍT Cf DÍKET

ma·lag·kít

pnr
:
may katangian ng lagkit : LINÁY, PULÓT

ma·lag·mát

png |Bot |[ ST ]
:
matigas na punongkahoy na karaniwang ginagamit sa paggawâ ng bangkâ.

ma·lá·god

pnr |[ ST ]
:
payát na payát Cf YANTÁS

ma·la·gó·so

png |Bot |[ ST ]
:
uri ng halaman.

ma·la·gú

pnr |[ Kap ma+lagu ]

ma·la·gu·nó

png |Zoo
:
uri ng mackerel na matigas ang buntot.

ma·lag·yâ

png |Mus Lit
:
uri ng awiting-bayan ng mga Mangyan.

ma·la·há·kan

png |[ ST ]
1:
tagapag-alaga ng kapatiran na may tungkuling magpatawag ng mga miyembro

ma·la·há·nip

png |Bot |[ ST ]
:
uri ng baging na haláman.

ma·lá·hi·na·bú·yan

png |[ ST ]
1:
damit na nagkapunit-punit na dahil sa kalumaan o matagal na paggamit
2:
bagay na hindi gaanong bago at hindi rin naman gaanong luma
3:
bagay na may bahagyang búhay.

ma·la·hin·hín

png |[ ST ]
:
tubig na maligamgam.

ma·la·hi·ni·ngá

pnr
:
mainit-init ngunit higit na mababà sa maligamgam : LANTUTÁY Cf MALAKUKÓ

ma·la·hí·pay

png |Bot |[ Kap ]

ma·la·hí·pon

png |Bot |[ ST ]
:
niyog na nahihinog na.

ma·la·í·ba

png |Bot |[ ST mala+iba ]
:
uri ng punongkahoy na maliit at ipinanggagamot sa pilat.

ma·la·ik·mó

png |Bot |[ Ilk Tag ]
:
punongkahoy (Celtis philippinensis ) na tigatlo ang pilas ng dahon.

ma·la·í·mus

png |Bot |[ Hil Seb ]

ma·la·í·na

png |Bot

ma·la·i·ní·bay

pnr |[ ST ]
:
bahagya ang epekto ng alak na ininom, o hindi gaanong lasing.

ma·lá·is

png |[ ST ]
:
tubig na mabahò, Malabo, at may kulaba sa ibabaw.

ma·la·is-ís

png |Bot |[ ST ]

ma·la·í·ta

pnr |[ ST ]
:
dumilim ang araw.

ma·la·it-mó

png |Bot |[ ST ]
1:
uri ng punongkahoy
2:
uri ng halámang baging o palumpong tulad ng lagundi.

ma·la·í·yaw

png |Bot |[ ST ]
:
isang malaking punongkahoy.

ma·la·í·yo

png |Bot

ma·lák

png |[ ST ]
1:
málay, karaniwang ginagamit na may “wala” sa unahan, gayâ sa “walang-malák”
2:
kaalaman, karaniwang ginagamit sa negatibong paraan, hal. “di-kamalak-malak,” ibig sabihin, walang pasabi.

ma·lá·ka

png |Zoo |[ Hil ]

ma·la·ka·bú·yaw

png |Bot
:
punongkahoy (Chaetospermum glutinosum ) na tumataas nang 10 m, may matinik na katawan, tatluhang dahon, mabangong bulaklak, at may bungang kulay lungti, magaspang, biluhabâ, mabuto, at nababalot ng mahimaymay na balát : KABÚYOK, KALANTÁN, TABÓK, URÁTAN

ma·la·kag·yós

png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng halaman.

ma·la·ká·law

pnr |[ mala+kalaw ]
:
may kutis na mapusyaw na kayumanggi.

ma·la·ka·lí·ngag

png |Bot |[ mala+ kalingag ]
:
punongkahoy na kahawig ng cinnamon.

ma·la·ka·lum·páng

png |Bot |[ ST mala+kalumpang ]
:
punongkahoy na may hawig sa kalumpang.

ma·la·ka·lum·pít

png |Bot

ma·la·kan·du·lì

png |Zoo |[ ST mala+ kandulì ]
:
uri ng butete na nakalalason.

ma·la·ká·pas

png |Zoo |[ mala+kápas ]
:
malaki-laking isdang-alat (family Gerreidae ), maliit at nakausli ang nguso, sapad ang katawan, malalaki ang kaliskis na pinilakan : LÁMAS, MOJARRA

ma·la·ka·pé

png |Bot |[ mala+Esp café ]
:
uri ng palumpong (Canthium dicoccum ) na tumataas nang 3–4 m, may mga dahon na makintab at matulis, may mga bulaklak na puti at may uhay.

ma·la·ka·pís

png |Zoo |[ ST mala+ kapis ]
:
uri ng maliit na punò tulad ng buyo.

ma·la·ká·rit

pnr |[ mala+karit ]
:
hugis karit at tawag sa bagong buwan Cf GASUKLÁY

ma·la·kás

pnr |[ ma+lakás ]
:
may angking lakas : ENÉRHIKÓ, HARD, PÓTENT, PUWÉRTE, SAGADSÁD, STRONG

ma·la·kat·món

png |Bot |[ ST mala+ katmon ]
:
punongkahoy na may nakaimbak na tubig sa katawan at naigagamot sa lagnat : MALBÁS-TIGBÁLANG

ma·la·ka·wá·yan

png |Bot |[ ST mala+ kawayan ]
:
uri ng sakate : TUWÁD-TUWÁRAN

ma·la·kí

pnr |[ ma+laki ]
:
may natatanging laki : DAKÔ, ENGRÁNDE, LARGE, LÁRGO, PIGYIÁN

má·la·kí·han

pnr |[ ma+lakí+han ]
:
ukol sa malakíng pagtitipon, pagkilos, paggastos, at katulad : ENGRÁNDE

ma·la·ki·hín

pnd |[ ma+lakí+hin ]
:
pahalagahan ; bigyan ng pansin Cf PANSINÍN

ma·la·kíng-ma·tá

png |Zoo |[ ma+lakí+ ng-matá ]

ma·la·kíng-tá·o

pnr |[ ma+laki+na+ tao ]
:
may higit na katangian o kapangyarihan kaysa karamihan Cf BIGÁTIN

ma·la·kíng tí·tik

png |Gra |[ ma+laki na titik ]
:
titik na may sukat at anyo na ginagamit sa simula ng mga pa-ngungusap at mga pangalan : CAPITAL LETTER, KÁHA-ÁLTA, KAPITÁL, MAYUSKULÁ, UPPER CASE Cf KÁHA-BÁHA

ma·la·kud·kú·ran

png |Bot |[ mala+ kudkod+an ]
:
uri ng aromatikong yerba (genus Mentha ).