meniscus (me•nís•kus)
- 1:
- ang kurbada ng itaas na rabaw ng likido sa túbo, karaniwang malukong paitaas ang mga dingding kapag basâ at maumbok kung tuyô, dahil sa epekto ng tensiyon sa rabaw
- 2:
- lente na malukong sa isang gilid, at maumbok sa kabilâng gilid
- 3:
- manipis at mahimaymay na cartilage sa pagitan ng mga rabaw ng mga hugpungang gaya ng tuhod
- 4:
- pigurang hugis bagong buwan