nag


nag-

pnl
1:
pambuo ng pandiwang pangnagdaan ng mag-, hal nag-aral, nagluto, nagsayaw, nagsanay
2:
pambuo ng pandiwang pangkasalukuyan ng mag- at sinusundan ng salitâng-ugat na inuulit ang unang pantig, hal nag-aaral, nagluluto, nagsasayaw, nagsasanay
3:
pambuo ng pandiwang pangnagdaan ng mag- na may dalawahan o maramihang tagaganap, at nangangahulugan ng aksiyong nanggáling sa iba’t ibang direksiyon, hal nagbanggâ, nagsalubong, nagkíta, nagtagpo
4:
pambuo ng pandiwang inuulit at may –an sa dulo, nagpapahayag ng arte lámang o hindi totoo, hal nagbabanal-banalan, nagsasakit-sakitan.

nag

png |[ Ing ]
1:
pangyayamot na may halòng paninisi at pang-uudyok
2:
múra o pagmumurá
3:
maliit na kabayong sasakyan
4:
mahinàng klase ng kabayong pangkarera.

ná·ga

png
1:
Bot [Bik Seb Tag] matigas at malakíng punongkahoy (Pterocarpus indicus ) na may kahoy na mainam gawing muwebles at bahagi ng bahay, dilaw ang bulaklak na may bungang bayna na iisa ang butó, katutubò sa Filipinas at Timog Silangang Asia, may dalawang subspecies sa Filipinas ang P. indicus subsp indicus na may makinis na bayna at ang P. indicus subsp echinatus na may maliliit na tinik ang bayna, kinikilálang Pambansang Punongkahoy ng Filipinas bagaman higit na ginagamit ang varyant ng pangalan na narra, isang korupsiyong bunga ng panahon ng Español : AGÁNA, ASANÂ, TÁGKA var narra
2:
Mit [Kap Mrw Tag] dragón1 ; inukit na dragón
3:
Ntk [Bik Hil Seb Tag War] disenyo sa prowa ng barko
4:
Bot [ST] isang uri ng palay.

Ná·ga

png |Heg
:
lungsod sa Camarines Sur at kabesera nitó.

na·gáb·ban

png |[ Ilk ]

na·gá·gar

pnr |[ Ilk ]

na·gál

pnd |[ ST ]
:
tinipil na nagtagál.

ná·gan

png |[ Ilk ]

na·ga·nás

pnr |Bot |[ Ilk ]

na·gán·nak

png |[ Ilk ]

na·gá·nus

pnr |[ Ilk ]

na·gá·wat

pnr |[ Pan ]

nag·bá

png |[ Pan ]

nag·bí·tu·ín

png |[ ST ]
:
tapis na may disenyong bituing ginto.

nag·bo·bóg·wel

png |Zoo |[ Ilk ]

nag·bu·bu·gél

png |Zoo |[ Ilk ]

nag·dó·lo

png |[ ST nag+dolo ]
:
kumot na may patseng iba-iba ang kulay.

nag·du·du·lí

png |[ War ]

nag·gá·po

pnd |[ Ilk ]

nag·ha·há·ring-u·rì

png |Pol |[ nag+ha+hari+na-uri ]
:
sa Marxismo, pangkat ng tao na may pinakamataas na katayuang panlipunan, kinabibilangan ng mga mayayaman : PLUTOKRÁSYA3, UPPER CLASS

nag·hóy

pnd |[ Kap Tag ]
:
pangnagdaan ng taghóy.

na·gí·ging

pnd
:
pangkasalukuyan ng maging.

na·gíng

pnd
:
pangnagdaan ng maging.

na·gí·sag

pnd |i·na·gí·sag, mag·na·gí· sag, na·gi·sá·gin |[ ST ]
:
guluhin ang buhok.

na·gí·si-gí·si

pnr |[ Hil Seb ]

na·gis·nán

png |[ na+gising+an ]
:
pook o kaligiran na alam ng isang tao mula pagkabatà.

nag·ka-

pnl
1:
pambuo ng pandiwang pangnagdaan ng magka- at nagpapakíta ng katangiang nangyari, naganap, o nagkaroon, hal nagkabisá, nagkaanák
2:
pangkasalukuyan ng magka-, na inuulit ang pantig na -ka- ng panlapi, hal nagkakabisá, nagkakaanak.

nag·ka·gí·si-gí·si

pnr |[ War ]

nag·lá·la·gá·re

pnr |[ nag+la+lagari ]
2:
mayroong magkakasabay na gawain o responsabilidad.

nag·lá·la·ngís

pnr |[ nag+la+langis ]
:
magbibigay ng regalo o pabor nang may inaaasahang kapalit Cf SIPSÍP

nág·nag

png |Med |[ Hil ]
:
paglilinis ng sugat bago lagyan ng gamot.

nag·pa-

pnl
1:
pambuo ng pandiwang pangnagdaan ng magpa- na nagpapakíta ng aksiyon at dahilan ng pagpayag sa ginawâ, hal nagpagawâ, nagpabili, nagpasok
2:
pambuo ng pandiwang pangkasalukuyan ng magpa-, na inuulit ang pantig na -pa-, hal nagpapagawâ, nagpapabili, nagpapasok.

nag·pa·ka-

pnl
1:
pambuo ng pandiwang pangnagdaan ng magpaka- at nagsasaad ng pilit na pagganap o pagtupad, hal nagpakabuti, nagpakaligalig, nagpakabait
2:
pambuo ng pandiwang pangkasalukuyan ng magpaka-, na inuulit ang pantig na -pa- ng panlapi, hal nagpapakabuti, nagpapakaligalig, nagpapakabait.

nag·pa·ra·tíng

png |[ ST nag+parating ]
:
pagdaragdag ; kasáma ang man saán, gaya sa “nagparating man saan ” ay nangangahulugang walang-hanggan.

nag·pa·ti-

pnl
:
pambuo ng pandiwang pangnakaraan ng magpati- na nangangahulugan ng marahas na aksiyong ginawa sa sarili, hal nagpatiwakal, nagpatihulog, nagpatibuhat.

nag·pó·tong

png |Bot |[ ST nag+potong ]
:
karaniwang bigas o palay.

nag·sa-

pnl
:
pambuo ng pandiwang pangnakaraan ng magsa- na nangangahulugan ng pagganap o paggaya sa papel o tungkulin ng iba, hal nagsapagong, nagsaáso, nagsamanok.

nag·sik·sík

png |[ ST nag+siksik ]
:
uri ng galáng na solidong ginto.

nag·si·pag-

pnl
:
pambuo ng pandiwang pangnakaraang batay sa mag- na may maramihang tagaganap, at nagkakatulad sa katangian ng aksiyon, hal nagsipag-aral, nagsipagbása Cf MAGSIPAG-

nag·si·pag·pa-

pnl
:
pambuo ng pandiwang pangnakaraan ng magsipagpa- na may maramihang tagaganap na nagsasaad ng utos, pagkuha, o pagpayag, hal nagsipagpagawâ, nagsipagpahintay.

nag·si·pag·pa·ka-

pnl
:
pambuo ng pandiwang pangnakaraan ng magsipagpaka- na may maramihang tagaganap, hal nagsipagpakabuti, nagsipagpakagalíng.

nag·sú·hay

png |Bot |[ ST nag+suhay ]
:
uri ng palay.

nag·tim·bu·kel

png |[ Ilk ]

nag·to·róng

png |[ ST nag+torong ]
:
uri ng banga.

na·gús·bat

pnr |[ Hil Seb ]

nág·was

png |[ Esp naguas ]
:
panloob na damit ng babae Cf KAMISÓN